malas

tomorrow, july 13, is a friday the 13th. pero ngayon pa lang parang naadvance yung friday the 13th ko. my anthro group was supposed to submit a paper on our CASAA observations. there's someone assigned to consolidate all write-ups pero naubusan siya ng ink ng printer niya. to cut the long story short, i volunteered to print the paper. she told me na late na niya maisesend sa akin. it was due for our 8.30am class this morning. so i waited until 1.30am for that darn paper. you see, we don't have a printer yet and i just plan to print it on one of the internet shops in our neighborhood. akala ko til 4am bukas ang mga internet shops pero as it turned out, wala na akong naabutang bukas. so much for volunteering. na-late pa ako ng gising kasi akala ng mother ko na wednesday pa lang ngayon. ngeeh! buti na lang may bukas ng internet shop sa shopping center at naiprint ko rin in time for my class.

hindi pa diyan nagtatapos ang kamalasan ko. pagkagising ko kasi, sumasakit ang tiyan ko. may LBM pala ako. uminom na ako ng gamot pero hindi umipekto. hindi naman pwedeng umabsent kaya pumasok pa rin ako. pero after my first class, i decided na umuwi na lang kesa magkalat ako sa UP! na-try nyo na ba ang magka-lbm habang nakasakay ka ng jeep? yung humihilab ang tiyan mo at kulang na lang hilahin mo ang sinasakyan mo? totoo pala yung mga napapanuod natin sa mga commercials. buti nakaabot pa ako ng bahay. thank God.

hay naku, basta marami pang nangyari ngayong araw na ito convincing me na nasahod ko ang minor jinxes for this day. minor lang naman kasi if you think about it, marami pang mas nakakatakot at nakakapanglumong kamalasang pwedeng mangyari sa isang tao. buti na nga lang ganun lang nangyari sa akin. buti na lang din nasiraan lang yung unang jeep na nasakyan ko. buti na lang din pinabababa lang ako ng UP Pantranco jeep kasi ako lang ang pasahero. mga ganung bagay lang. at LBM lang naman ang worst na nangyari sa akin. at least ganun lang.

my only consolation, i get to sleep the rest of the day and natapos ko na rin sa wakas yung The Inimitable Jeeves book by p.g. wodehouse.

No comments: